Showbiz News

Lolit Solis on Zia Dantes: 'Baka makidnap dahil very friendly'

By Michelle Caligan

Isa ang talent manager at showbiz writer na si Lolit Solis sa mga bumati kay Zia Dantes sa third birthday nito.

READ: #LoveYouAteZ: Stars from the biggest TV networks greet Baby Zia on her 3rd birthday

Bukod sa birthday greeting, inalala din ni Manay Lolit ang pagiging grasyosa ng anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kasal nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho.

Aniya, "Birthday ni Zia Dantes today Salve at para bang nakikita ko pa nang naging 'yaya' ka niya ng wedding nila Dr. Hayden at Dra. Vicki sa Paris.

“Tuwang- tuwa sa iyo si Zia at kaway ng kaway nang makita ka sa simbahan at talagang smile siya nang smile.”


May pabirong habilin naman si Lolit sa mga magulang ni Zia.

"Napaka-grasyosang bata kaya nga sabi ko kay Marian at Dingdong, baka makidnap dahil very friendly hah hah.

“Parang kailan lang, ngayong birthday niya 3 years old na siya at katulad ni Scarlet at Talitha ang popular nila sa tao.

“Lovable kids, lovable parents, how lucky to see them grow up.

“Ganda ng next generation natin, bongga. Happy birthday Zia Dantes, love you."

Zia Dantes, Scarlet Snow Belo, Tali Sotto, ano ang minana sa celebrity parents ayon kay Lolit Solis?

Nasa Hong Kong ngayon ang pamilya Dantes para sa birthday request ni Zia.

LOOK: Dantes family meets Miranda family in Hong Kong Disneyland