What's Hot

WATCH: Golden Cañedo, pinasaya ang kaniyang 2-year old fan online

By Jansen Ramos
Published November 26, 2018 12:16 PM PHT
Updated November 26, 2018 12:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin kung paano napatahan ni 'The Clash' winner Golden Cañedo ang kanyang batang fan.

Pinasaya ng The Clash winner na si Golden Cañedo ang kaniyang two-year-old avid fan na si baby Klea.

Pinadalhan ni Golden ng isang video message ang bata matapos mapanood ang video nito na walang tigil sa pag-iyak habang tinatanong tungkol sa kanyang idol.

Mensahe ng singer kay baby Klea, "Hi, baby Klea! Dito na si Ate Golden. Maraming, maraming salamat sa pag-support, baby. Huwag ka na umiyak, love na love ka ni Ate. And kung gusto mo ako makita, manood ka ng Studio 7 every Sunday. Bye, baby. See you soon!"

Habang pinapanood ni Klea ang video, niyakap pa niya ang cellphone dahil sa kilig at nagpasalamat sa hinahangaan niyang Kapuso.

Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan sa 24 Oras: