
Maraming kapuwa celebrities at fans ang nagulat nang mag-post sa Instragram ang Sunday PinaSaya star na si Aiai delas Alas na kasalukuyang siyang nagpapagaling sa isang ospital.
Walang pang ibinibigay na detalye ang pamilya ng Comedy Queen of the Philippines kung anong dahilan ng pagkaka-confine ng award-winning comedienne.
Sa post naman ni Sancho, sinabi nito na hiling niya ang agarang paggaling ng kaniyang Mommy Aiai.
“Get well soon ma! Enebenemenyen... bawal magkasakit,” sabi niya sa kaniyang Instagram post.
Samantala, bumuhos naman get well soon messages para kay Aiai mula sa kaniyang celebrity friends at katrabaho sa kaniyang Instagram post