
Sinagot ng ilang Kapuso stars kung paano nga ba sila bilang mga ninong o ninang sa kanilang mga inaanak.
Ang sagot ni My Special Tatay star Ken Chan, naaalala niya ang kanyang pagkabata tuwing Pasko.
“Nung bata ako, looking forward ako sa Christmas kasi looking forward ako sa mga Aguinaldo,” ani Ken.
“Ngayong ninong ako, ganun din ginagawa ko kasi simpleng bagay lang naman. Kahit paano, mapapasaya natin 'yung mga inaanak natin,” dagdag niya.
Para naman sa kanyang co-star na si Bruno Gabriel, hindi niya masyadong nakikita ang kanyang mga inaanak dahil busy kaya naman pupuntahan niya sila ngayong Pasko.
Mapagbigay naman para sa kanilang mga inaanak sina Kapuso actress Kris Bernal at Inah de Belen.
Alamin kung ano ang kanilang inireregalo sa report na ito: