
Nagiging usap-usapan ngayon ang pagtatambal nina Juancho Trivino at Joyce Pring sa pagho-host ng isang lifestyle segment sa Unang Hirit.
Sa katunayan, binansagan na sila ng ilang fans na “Juanchoyce.”
Kaya naman bago ang kanilang segment sa Unang Hirit kaninang umaga, November 29, pabirong tinanong ng UH hosts sina Juancho at Joyce kung ano ba ang namamagitan sa kanilang dalawa.
Pabiro naman itong sinagot ng dalawang Kapuso hosts.
Sagot ni Juancho, “Kailangan nilang abangan kung magkakakulay na ang Instagram feed ko.”
Pabirong sabi naman ni Joyce, “Parang kailangan pa ng maraming [oras] na magkasama.”
Noong Oktubre ay nag-post si Juancho ng larawan nila ni Joyce at may caption na, “@joycepring may crayons ka ba? Kailangan ko ng kulay. Balik ka kaagad from NY ha, kailangan kita..... sa @unanghirit.”
Samantala, marami ang kinilig matapos mag-post si Joyce ng litrato kasama ang co-host na si Juancho sa Instagram.
“This year, I asked Santa for true love. He didn't give it to me, but he did send @juanchotrivino my way,” sulat ni Joyce. “Who's always on his phone playing Ragnarok Eternal Love. Pwede na. #Juanchoyce.”
Dati pa man ay napapansin na ng ilan ang kanilang mga litratong sweet.
Pagkatapos ng kanilang Unang Hirit segment, nagpost si Joyce at sinabing, “Mga Kapuso, sa panahon ngayon damit na lang dapat ang minumura. Yung mga tulad naming ni @juanchotrivino, sana, minamahal.”
Magkasama rin silang nagdiwang ng Halloween ngayong taon at ibinahagi ni Joyce ang kanilang costume.
“Nagholding hands kami kasi ako daw si Bride at siya si Chuckie. Pero ang totoo niyan, gusto ko lang siya mapa Chuckie-n,” ani Joyce.
“Nice to finally work with you, @juanchotrivino! Mahahanap din natin yung para satin. Baka anjan lang yung the Juan sa tabi tabi. You just need to make the right Joyce,” dagdag pa nito.