What's Hot

READ: Michael V. speaks up about addition of new stars in 'Bubble Gang' at 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published December 3, 2018 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gloria Romero, Nora Aunor, Emman Atienza, more celebrities who left us this 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News



Michael V. clarifies his position in his shows Bubble Gang and Pepito Manaloto.

Nagbigay ng pahayag ang Kapuso comedy genius na si Michael V. tungkol sa mga plano para sa dalawa niyang comedy programs, ang Pepito Manaloto at Bubble Gang.

Bukod sa pagiging lead star ng mga programang ito, tumatayo din si Bitoy bilang creative director dito.

Sa Tweet ng Kapuso comedy genius ngayong araw, December 3, ipinahayag niyang hindi lang nakasalalay sa kaniyang desisyon kung sino ang ipapasok na mga artista sa Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Paliwanag niya, “Good morning Tweeps! As much as gusto kong magpasok ng ibang artista para maging cast ng #BubbleGang & #PepitoManaloto, hanggang suggestion lang po ako. Nasa GMA Network po ang final decision.”


Matatandaan na dalawang linggo na ang nakararaan nanawagan sa Facebook ang sexy singer na si Mystica, o Ruby Rose Villanueva sa totoong buhay, na gusto niya makatrabaho si Michael V.

Aniya, “I would say Michael V. [laughs]. Nandun si Michael V. in terms of Bubble Gang nga pala, kasi I remember 'yung mga nakaraang years ko noon when I was just getting started I actually was able to join Bubble Gang several times already.

“Nami-miss ko talaga because it's really a great show talagang nakaka-entertain, nakakatawa. Nanawagan ako kay Michael V na sana naman po kunin niya po ako sa Bubble Gang o kaya any program na nandun po siya. Kasi gusto ko siya makasama and of course idol ko siya.”