
Trending kamakailan ang isang lalaki na mala-anghel ang mukha, artistahin, at sporty.
Higit sa lahat, siya raw ang dahilan kung bakit dumami ang nagsisimba sa isang parish sa Samal, Davao del Norte.
Ang trending na lalaking ito, isa palang pari!
Maliban sa kaniyang poging itsura, malapit daw sa mga tao ang 27-anyos na si Rev. Efren “Jay-R” Gubac.
Magaling din daw siyang mag-homily.
Bago maging pari, kinahiligan daw ni Jay-R ang pagsasabong at basketball.
Naging sacristan daw muna si Jay-R, bago maisipan na mag-pari, at sa katunyan, nagka-girlfriend pa ito ng mahigit dalawang taon bago mag-pari.
Ngunit naging mas matibay raw ang pagtawag ng simbahan kay Jay-R kaysa sa kaniyang relasyon. Kaya raw itinuloy niya na ang pagpapari.
Ani ni Jay-R, “Sinakripisyo ko talaga para sa bokasyon ko kasi naramdaman ko na iba talaga 'yung pakiramdam ko compared sa ibang calling.”
Pumasok rin daw noon sa isip ni Jay-R ang pagpu-pulis.
“Yes, gusto ko maging pulis, may girlfriend ako. In-love ako. Pero pag dating sa buhay ko, deep inside, iba talaga na kailangan ko na talagang i-pursue 'tong nararamdaman ko sa Diyos.”
Ito ay sa kabilang ng pagmamakaawa noong ng kaniyang ex-girlfriend, “Sinabihan ko siya na, 'It's final, calling talaga ni Lord. I'm in love with the Lord.”
Kasalukuyang Reverend Beacon ngayon si Rev. Jay-R.
Manatili pa rin kayang buo ang desisyon niya kahit na lalong dumami ang mga tukso sa buhay niya?