
Matapos ang ilang buwang pagho-host sa Wowowin, hindi na muling napanood sa Kapuso variety game show si Patricia Tumulak. Bakit nga ba tumigil na siya sa pagho-host dito?
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ipinaliwanag ni Patricia ang kanyang pagkawala sa Wowowin.
Sa pagsimula kasi ng taong 2019, mapapanood siya bilang bahagi ng musical-drama series na Inagaw Na Bituin. Hindi man niya mapagsabay ang dalawang programa, nagpapasalamat siya at nananatiling bukas sa kahit anong oportunidad na ibinibigay sa kanya bilang isang Kapuso artista.
Aniya, “I'm super forever grateful sa GMA kasi both sides na from hosting and acting, pinapa-try sa akin. So kung ano'ng ibigay na opportunity, doon tayo and go with the flow. I'm up for challenge so kung ano ibigay sa'yo just accept and just be ready for the challenge, and of course, do you part also.”