
Maagang nadama ng Kapuso actors and biking enthusiasts na sina Gardo Versoza, Neil Ryan Sese at Antonio Aquitania ang puso ng Pasko ngayong taon.
Sumama kasi sila sa isang bike ride ng volunteer group na Bike Scouts Philippines para alamin ang adbokasiya at activities na ginagawa ng grupo, lalo na ngayong Pasko.
Nagsimula ang Bike Scout Philippines bilang volunteer bike messengers na dumadayo sa mga liblib na lugar pagkatapos ng bagyong Yolanda.
Taun-taong din silang nagdaraos ng midnight ride tuwing Pasko para maghatid ng Noche Buena sa mga pamilyang naninirahan sa lansangan.
Abangan ang pakikiisa nina Gardo, Neil at Antonio sa Bike Scout Philippines sa Puso ng Pasko: The GMA Christmas Special. Abangan ito sa December 16, 9:00 pm sa GMA!