What's Hot

Heart Evangelista reacts to memes about her OOTDs

By Maine Aquino
Published December 13, 2018 5:25 PM PHT
Updated December 13, 2018 6:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Regional TV News (December 18, 2025)
Got complaints vs. gov't employees? AI bot Tala is here to help
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit nga ba ginawa ni Heart Evangelista ang "corned beef" OOTD video na naging viral kamakailan lang?

Naging usap-usapan nitong mga nakaraang araw ang mga nakakatuwang OOTD videos ni Heart Evangelista. Kaya naman nagbigay na ng reaksiyon ang Queen of Creative Collaborations tungkol sa kaniyang mga memes.

Heart Evangelista
Heart Evangelista

Kuwento ni Heart, ang kaniyang unang video tungkol sa kaniyang pagbili ng corned beef ay para sa taping ng Christmas special ng GMA. Hindi niya umano inakalang magiging viral ang kaniyang post.

Viral: Heart Evangelista's outfit going to the grocery

"Honestly, the reason I wanted to do something like that it was obviously a joke. I was actually on my way to GMA for Christmas taping. But you know, it's just me expressing myself that no matter where you go, no matter what you're going to do it's important to feel good and look good."

Nais din umano ni Heart na maging inspirasyon at mapangiti ang mga tao.

"Be dressed for yourself 'di ba? That's why I like to do my OOTDs in front of the mirror because I like to inspire kung sino man 'yung feeling down in a very sweet way napangiti ko sila and it's nice na nag-e-effort talaga sila."

Dagdag pa ni Heart ay nagalingan siya sa mga entry ng netizens na nagsilabasan pagkatapos ng kaniyang viral post.

"Sobrang cute nila kasi talagang nag-e-effort sila na magbihis. Meron pang naka-tuxedo, meron pang nag-gown... ang galing! Sobrang winner nilang lahat."

WATCH: Heart Evangelista, may bagong viral OOTD na ikinatuwa ng netizens

Kuwento rin ni Heart na bago umano siya pumirma ng kaniyang kontrata sa GMA Artist Center ay binalak niya pang mag-picture sa palengke suot ang gown na gawa ng designer na si Hervé Pierre.

"Kanina dapat dadaan ako sa palengke sa totoo lang kaya lang sobrang nagmamadali," natatawang kuwento ni Heart.

LOOK: Heart Evangelista affirms loyalty to GMA Network