
Maraming netizens ang natuwa sa Instagram post ng Eat Bulaga mainstay na si Ruby Rodriguez patungkol kay 2018 Miss Universe Catriona Gray.
#AlamMoBa: Catriona Gray joined 'Eat Bulaga's' Little Miss Philippines
Inuwi ng Albay beauty queen ang ika-apat na korona ng Pilipinas sa naturang beauty pageant na ginanap sa Thailand.
Sa post ni Ruby, sinabi nito na may pag-asa pa ang Eat Bulaga child star na si Ryzza Mae Dizon na maging beauty queen tulad ni Catriona.
Parehong sumali sa sikat na contest ng longest-running noontime show na Little Miss Philippines sina Ryzza at Catriona.
Saad ni Ruby, “Sabi ko na nga @ryzzamaedizon_ may pag asa ka!!!️️"
Isa sa mga nag-react sa funny post na ito ng TV host/comedienne ang Kapamilya talent na si Bela Padilla.
Kung sakali raw na sundan ni Ryzza Mae ang yapak ni Catriona, ipapauso raw niya ang signature walk na 'Cha-cha walk.'
Matatandaan na pinauso ni Ryzza Mae Dizon ang 'Cha-cha' dance moves niya na pumatok noong 2012.