
Biniro si Paolo Ballesteros ng mga kapuwa niya dabarkads nang bigla itong may hinirit matapos ibigay ang hugot line para sa "All For One, Juan For All" sa Eat Bulaga! kahapon, January 1.
Matapos kasi sabihin ni Paolo ito, "Ayaw ko nang litsunin ang nakaraan dahil ikaw na ang aking kasalukuyan," agad niyang sinambit, "Happy monthsary! Chareng!"
Ayon sa kaniyang kasamang si Wally Bayola, "Wala namang nakasulat na ganun, ah."
Walang sinumang tinukoy si Paolo kung para kanino ang kaniyang mensahe. Pero malaki ang hinuha ng mga manonood na ito ay para sa kaniyang "siopao" na si Kenneth Gabriel Concepcion.
LOOK: Meet Paolo Ballesteros's special friend, Kenneth Concepcion
Agad naman itong nakumpirma sa post ni Paolo sa kaniyang Instagram kagabi.
Sa pasilip niya sa kanilang second monthsary celebration, sinabi ng Eat Bulaga host, "[L]ooking forward to many more. [I] love you siopao. [winking kissy face] @i_lovegab"
Matapos ang mga espekulasyon, tila nagiging bukas na si Paolo sa estado ng relasyon nila ni Kenneth.
Bago kasi ang post na ito, nagpahayag din si Paolo ng pagmamahal kay Kenneth sa New Year post ng huli.