
Inamin ng head coach ni Manny Pacquiao na si Buboy Fernandez na 100% ready na ang Pambansang Kamao sa laban nila ni Adrien Broner.
Sa isang panayam, sinabi rin ng ilang sparring partners ni Manny na walang kupas ang kanyang bilis at lakas.
“Nasa 100% na yung condition natin tapos iniingatan na lang natin next week na wag tayong masyadong gagalaw kasi mas mahirap yung ma-sobrahan tayo sa training,” ani Buboy.
Maglalaban sina Manny at Adrien para sa World Welterweight Championship sa MGM Grand Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada sa January 19 (US Time).
Mapapanuod naman ang kanilang laban sa GMA-7 sa Linggo ng umaga, January 20. Abangan din ang live blow-by-blow update sa DZBB.
IN PHOTOS: Manny Pacquiao starts off 2019 with hard sparring