Showbiz News

Lolit Solis, ibinunyag ang mga 2019 plans ni Alden Richards

By Marah Ruiz

Ayon kay veteran showbiz writer at talent manager Lolit Solis, drama raw ang magiging comeback project ni Kapuso actor Alden Richards.

Alden Richards

Huling napanood si Alden sa superhero fantasy series na Victor Magtanggol, kaya naman nais daw nitong bumalik sa heavy drama ngayong 2019.

"Mas gusto pala ni Alden Richards na unahin gawin project for 2019 Salve ay drama. Mas gusto muna niya heavy drama dahil nami-miss niya ang mga eksena na talagang heart tugging at makabagbag-puso. Dapat lang dahil kilala naman drama actor si Alden at pinatunayan niya na mahusay siya sa seryosong pagganap," sulat niya sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi rin ni Nanay Lolit na isa siya sa mga umaasang magbalik ang tambalan nina Alden at Maine Mendoza.

"Wish ko lang na sana naman ibigay na GMA ang matagal ng hiling na magsama sila ni Maine Mendoza. About time na siguro na muli sila magsama," aniya.

Bukod dito, may isang tao rin daw siyang kilala na nais makatrabaho si Alden.

"At sana matupad din wish ni Christopher de Leon na makasama sa project si Alden dahil gusto niya ang mga napanood niya na mga nagawa ni Alden. Kung drama ang gusto ni Alden dapat lang kasama si Christopher, dahil sure na magiging dramang-drama ang eksena. Wish ko lang na sana matuloy," pahayag niya.