
Mas maraming Kapuso ladies ang excited na gumising sa umaga dahil napapanood sa number one morning show na Unang Hirit ang Fil-German boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Clint Bondad.
IN PHOTOS: Catriona Gray's beau Clint Bondad has an equally handsome brother, Kirk Bondad
Sa Instagram post ng model-actor, sinabi ni Clint na nakakatuwa na makatrabaho ang female hosts ng Unang Hirit.
Saad niya, “And we are complete! Such amazing women! All of them super smart, beautiful and SO unique in their own ways. A real pleasure to work with! ️”
Opisyal na bang host ng Kapuso morning show si Clint?
Ayon sa paliwanag ni Clint sa Instagram ay guest host lamang siya sa longest-running morning show.
Bilib naman ang mga netizen sa hosting skills ng boyfriend ng 2018 Miss Universe.