What's Hot

KMJS: Ang misteryosong sakit sa balat ni Bernadette

By Bianca Geli
Published January 8, 2019 5:35 PM PHT
Updated January 8, 2019 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



Karma nga ba ang dahilan sa likod ng kondisyon ni Bernadette? Alamin sa episode na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

Mula pagkapanganak, kakaiba na ang balat ni Bernadette. Ngayong 32-anyos na siya, parati pa ring nangingitim, nangungulubot, at nagbibitak-bitak niya.

Kapuso Mo, Jessica Soho
Kapuso Mo, Jessica Soho

Kuwento ni Bernadette sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “Simula pagkabata hanggang ngayon, bullied pa rin.

“Kapag nakikita ka ng mga tao, especially ng mga bata, 'Aswang! Aswang!' ganun po. 'Nasunong!' ganyan, 'yung mga ganung panunukso.”

Ayon sa ina ni Bernadette, noong ipinagbubuntis niya pa si Bernadette, may palaka raw na pumasok sa kanilang bahay. Sa takot daw ng mister nito, pinatay nito ang palaka.

Ani ni Jona na ina ni Bernadette, “Pinalo niya yung palakang yun, naging duguan. Buntis ako noon kay Bernadette ng three months siguro”

Laking gulat daw ng pamilya ni Bernadette nang makita ang itsura nito nang ipanganak siya.

Ganun pa man, namuhay ng normal si Bernadette kahit na may kakaibang itsura.

Sa katunayan, ay nagkaroon pa ito ng nobyo, at nagkaanak na rin.

Hindi man nauwi sa forever ang kanilang relasyon, naging inspirado naman si Bernadette dahil sa kanyang anak.

Ngunit ng tumungtong sa apat na taon ang anak ni Bernadette na si Xiona, napansin nilang namana yata diumano nito ang kondisyon ng ina.

Patung-patong man ang problema ni Bernadette, nakahanap pa rin siya ng pag-asa ng may makilalang lalaki na magbibigay saya sa kanyang buhay.

Sabi ni Bernadette sa kanyang German boyfriend na si Alex nang mag-propose ito ng kasal, “Sigurado ka na ba? Puwede pa tayong maghiwalay. I will set you free hangga't maaga pa.”

Ngunit sabi raw ng kaniyang German boyfriend na si Alex, siya lang daw ang mahal nito.

Bagamat tila perpekto ang buhay ngayon ni Bernadette, gusto pa rin niya malaman kung ano ang tunay na dahilan ng kondisyon nila ng anak na si Xiona.

Karma nga ba ang dahilan sa likod ng kondisyon ni Bernadette?

Panoorin ang video sa KMJS: