What's on TV

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, excited na makatrabaho si Tom Rodriguez sa 'Dragon Lady'

By Bianca Geli
Published January 15, 2019 4:17 PM PHT
Updated February 8, 2019 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Magsasama sa upcoming GMA fantasy drama na 'Dragon Lady' sina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez, kung saan mapapanood ang aktres bilang isang dalaga na may kakaibang hitsura.

Magsasama sa upcoming GMA fantasy drama na Dragon Lady sina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez, kung saan mapapanood ang aktres bilang isang dalaga na may kakaibang hitsura.

Janine Gutierrez
Janine Gutierrez

it's all happening ✨✨✨✨ @starstyleph @charismalico

A post shared by 🌺JANINE (@janinegutierrez) on

Ano kaya ang reaksiyon ni Janine nang malaman na si Tom ang makakapareha niya?

Aniya, “Si Tom naka-work ko na once sa Magpakailanman (The Wil Dasovich and Alodia Gosiengfiao story)."

Dagdag niya, “Everytime tinatanong ako sa mga interview, sinasabi ko talaga na isa sa mga pangarap kong makatrabaho ay si Tom. Sobrang sinubaybayan ko 'yung My Husband's Lover pati 'yung iba niyang projects so I'm super excited.”

Handang-handa na rin si Janine sa kaniyang pagbabalik GMA Afternoon Prime at sa pagganap sa isang kakaibang role bilang babae na ipinanganak na mukhang dragon.

“Exciting talaga siya kasi bukod sa pagiging isang dragon lady na talagang may misteryo at may kaakibat na fantasy 'yung anyo niya, lalabas din 'yung pagiging dragon lady niya sa pagiging matapang, sa pagiging palaban. So buong-buo 'yung pagiging dragon lady niya kaya excited ako sa challenges na kasama sa role na ito.”

Abangan ang Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime!

Janine Gutierrez, excited nang mag-ibang anyo para sa 'Dragon Lady'