Joyce Pring, kinumpirma ang panliligaw ni Juancho Trivino
“Tanong n'yo si Juancho.”
Ito ang natatawang sagot ni Joyce Pring nang tanungin siya tungkol sa napabalitang panliligaw umano sa kaniya ng Unang Hirit co-host niyang si Juancho Trivino.
Sa isang panayam, kinumpirma ni Juancho ang panliligaw niya sa kaniyang kapwa TV host.
Sa parte naman ni Joyce, “I love working with Juancho and I love being with him as my friend talaga.
“But siyempre, umamin naman na siyang nanliligaw siya, so okay, guys, nanliligaw nga siya.”
Nakausap ng GMAnetwork.com si Joyce matapos ang “In Conversation with YOU” event na inihanda para sa 'You' stars na sina Shay Mitchell at Penn Badgley kahapon, January 14.
Aminado si Joyce na naging malapit na silang magkaibigan ni Juancho matapos silang pagsamahin sa remote segment ng Unang Hirit.
Ito na rin ang naging simula ng kanilang tambalan, na binansagan ng kanilang mga kasamahan sa show bilang #Juanchoyce.
Ani Joyce, “I think its really hard not to like Juancho kasi he's a very kind person, he's hardworking, and he's so funny.
“We really enjoy a lot of our time together whenever we hang out.”
Joyce Pring, bakit kinilig kay Juancho Trivino?
Bagamat umamin na si Juancho sa kaniyang nararamdaman para kay Joyce, nilinaw ng huli na hindi naman nito naapektuhan ang kanilang pagsasama bilang magkatrabaho.
“Wala namang masyadong changes work-wise.
“Siguro 'yung change lang is from [an] outside perspective, inaasar na kami.
“Dati medyo may pang-aasar na, before I even came in to Unang Hirit, lagi na kaming inaasar ni Juancho.
“Pero hindi as intense, obviously, as now. 'Yun lang naman ang changes.”
Sa ngayon, tila mas sabik na sila na makita ang isa't isa sa trabaho.
Sabi pa ni Joyce sa huli, “Parang mas enjoy mag-Unang Hirit kasi nandun siya.”