
Laugh-out-loud ang mga eksena sa opisina ng PM Mineral Water, lalo na 'pag napapanood ang madaldal at mali-maling empleyado ni Pepito na si Tere.
Pero sino ang mag-aakala na ang aktres na gumanap bilang Tere na si Cherry Malvar ay ang ina ng multi-awarded young actress na si Therese Malvar.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Cherry, ngayong araw [January 15] sa GMA Network Center, tinanong namin ang theater actress kung paano siya napasok sa Kapuso sitcom?
Kuwento niya, “Nagte-teatro ako, may theater background ako. And then kakilala ko 'yung EP [Executive Producer] nila that time, because that was like four years ago si Roy San Luis pa 'yun.
“He [Roy San Luis] was looking for a character na madaldal na sales lady at that time. So naghahanap sila ng madaldal na empleyada na palpak na ganun-ganun. So, naitawid ko naman 'yung karakter na hinihingi.”
Sobrang laki din ng pasasalamat niya na ang role niya sa sitcom ay tumatak sa creative team ng Pepito Manaloto.
“And then siguro nung time na si Chariz [Solomon] ay nanganak siguro nagkaroon sila ng post na mag-fill up ng empleyado kunwari may karakter doon. So naghanap sila kunwari sige temporary secretary ni Pepito, so inisip nila daw ako.
“Na-recall nila 'yung karakter ko, so suwerte nga kasi kapag nag-guest ka sa Pepito kung ano 'yung karakter mo maintain na 'yun.”
Puno din ng papuri si Cherry sa Kapuso comedy genius na si Michael V na tumatayong creative director ng Pepito Manaloto.
Sinabi ng aktres na isang 'matalinong komedyante' ang tulad ni Michael V.
“Hands on siya. Siya rin 'yung nagtuturo, nagko-coach doon sa co-actor niya. Kasi alam niya 'yung script parang doon sa productions they made sure na mayroon kaming script reading sa umaga.
“Para lahat ng tao ay involved sa story, so alam mo 'yung pinanggagalingan. Bakit ka natawa? Bakit siya nainis doon sa sinabi mong word?
Proud mom
Hindi naman maitago ni Cherry ang saya sa sunod-sunod na malalaking project ng anak na si Therese.
Last year, inuwi ng dalaga ang Best Supporting Actress Award sa Cinemalaya para sa performance niya sa 'Distance' at 'School Service.'
Bibida din siya sa highly-anticipated Kapuso soap na Inagaw Na Bituin kasama si Kyline Alcantara.
Ayon sa celebrity mom, tinupad ni Therese ang pangarap niya na ma-discover sa showbiz.
Wika ni Cherry, “Natutuwa talaga ako dahil ito parang dream come true. Actually, it's my dream na ma-discover sa TV, sa movie and siya 'yun. Siya 'yung naka-fulfill ng dream ko.”
Panoorin ang mga funny moments ni Tere sa PM Mineral Water sa panalong episode ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Daddy's Gurl.