
May isang mahiwagang barko raw na bigla na lang lumilitaw sa laot pero mabilis ding naglalaho.
Isang misteryosong barko raw sa Lazi, Siquijor na ang ugong ay nagpapayanig daw sa lupa.
Ang itinuturing daw na ghost shop sa Siquijor ay may sakay na engkanto.
Isang dayo sa Siquijor ang hindi naniwala noong una sa 'di umano'y ghost ship. Kuwento niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “Di ko pa masyadong pinapansin kasi pakiwari ko noon, kuwentong barber lang.”
Hanggang siya raw mismo ang nakakita nito.
Kuwento niya, “Tiningnan ko, nagulat din ako kasi may mga silhouette ka talagang makikita. Parang may nagdi-disco.”
Kahit ang mga mangingisda sa Siquijor, saksi raw sa pagpapakita sa laot ng misteryosong ghost ship na tila hindi nila malapitan.
Nakipagugnayan ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa coast guard at mga shipping lines sa Cebu, Negros Oriental at Mindanao para makumpirma kung mayroon bang barko na dumaan sa Lazi sa mga gabing 'di umano nakita ang ghost ship. Inabangan din ng KMJS team kung makikita nila ito sa laot.
Ano kaya ang nakita nila? Panoorin sa KMJS: