
Mapapanood na sa darating na January 23 ang Born Beautiful, ang sequel ng critically acclaimed film na Die Beautiful.
Pagbibidahan ito ng Kapuso actor na si Martin del Rosario, na gaganap bilang ang transgender woman na si Barbs.
LOOK: Release date, official poster of 'Born Beautiful' revealed
Sa naganap na bloggers' conference para sa pelikula nitong January 15, ibinahagi ni Martin na ang orihinal na plano ay gumawa lamang ng isang TV series.
Aniya, "Series talaga siya, 12 episodes. Kaso, nakita nina Direk na magandang material siya for a film, so itong mapapanood na movie is episodes 1 to 5 na compiled and, siyempre, nagdagdag ng mga scenes para maisara siya at mapaganda pa lalo."
Kuwento pa niya, may mga eksena raw na kailangang tanggalin para maipalabas ito sa mga sinehan.
"May mga scenes na naka-bleep dahil talagang vulgar ang words.
“May love scenes na na-cut, may phrases na na-delete. Pero sabi ni Direk, buo pa rin 'yung storya."
Pagdating naman sa awards, hindi naman daw umaasa ang aktor na makatanggap nito.
"Hindi naman ako nag-e-expect ng awards talaga, kasi ako ginawa ko lang naman ang best ko.
“Sana, why not, 'di ba? Kahit ma-nominate lang ako, okay na ako e,” sabi ni Martin.