What's Hot

EXCLUSIVE: Tekla at kanyang anak, reunited sa Iloilo

By Cherry Sun
Published January 28, 2019 12:12 PM PHT
Updated January 28, 2019 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Nagkaroon ng oportunidad si Tekla na makasama ang anak sa first leg ng 'The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only' nitong nakaraang weekend.

Mas naging special para kay Tekla ang pag-perform sa Iloilo para sa first leg ng The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only.


Panandalian din kasi siyang reunited sa kaniyang anak na si Airah.

Ilang photos ang ibinahagi ng manager ni Tekla sa GMANetwork.com, kung saan makikitang masayang magkasama ang mag-ama.

Sabi ni Tekla tungkol sa pagkikita nila ng kaniyang anak, “Masaya ako na nagkita ulit kaming mag-ama. Very precious moment.

"Sa sobrang busy ko, 'di ko siya napapasyalan sa Bacolod.

"Kaya pinapunta ko sila sa Iloilo para kahit isang buong araw at isang gabi magkasama kami at syempre para mapanood naman niya ako ng live sa concert nga ng The Sweetheart and the Balladeer.”

Dagdag pa niya, "Napakasaya ko kasi for how many years, ngayon ko lang ulit siya nakatabi pagtulog.

"Yakap ko siya habang nanonood kami ng mga video ko sa Youtube. Paggising ko, yakap ko kaagad sya.

"Ang sarap ng feeling pero ang bigat nung nagpapaalam na kami. Siya babalik na ng Bacolod, kami Manila na.

"Pero isang taon na lang makakasama ko na sya. Dito na sa Manila sya mag-aaral.

"Babawi ako! Yun naman lagi ko sinasabi sa kanya. Mahal na mahal ko anak ko. She's my angel."


Si Airah ay ang anak ni Tekla sa kanyang dating asawa.