What's Hot

KMJS: Sino ang bata sa salamin?

By Bianca Geli
Published January 29, 2019 2:04 PM PHT
Updated January 29, 2019 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Zero tolerance policy, sanctions vs indiscriminate firing amid New Year revelry
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News



Kapuso Mo, Jessica Soho: Ang masayang photo shoot ng magkapatid na Amiel at Zed, nauwi sa katatakutan.

Ang masayang photo shoot ng magkapatid na Amiel at Zed, nauwi sa katatakutan.

KMJS: Sino ang bata sa salamin?
KMJS: Sino ang bata sa salamin?

Ang lumabas kasi sa litrato, imbis na likod ng bata ang makita sa salamin, mapapansin na ang kaniyang reflection ay nakaharap at nakatitig pa sa kaniya.

Kuwento ng ina ng bata na si Maricar, taong 2013, isang matandang babae ang naglako sa kaniya ng buy-one-take-one na salamin sa kanilang lugar. Dahil sa awa ay napabili na lang si Maricar.

Simula noon ay sunod-sunod na ang kakaibang nangyayari sa kanilang bahay.

Ani Maricar, “Tuwing magsasalamin ako, parang may dumadaan na anino.”

Ipinasuri ang bahay nina Maricar sa isang paranormal investigator at sa isang photography expert ang misteryosong litrato.

Sino kaya ang misteryosong bata sa salamin?