
Nababalot ng malaking balat ang likod at leeg ng 4-anyos na batang si Kim Jane. Tinutubuan din siya ng balahibo. Napupuno rin ng mga nunal ang kaniyang buong katawan. Hinala ng kaniyang mga magulang, dahil daw ito sa sumpa ng kapre.
Kuwento ng ina ni Kim Jane, "'Pag didilim na po, nagpapakita siya sa amin…tingin ko po sa kaniya kapre po kasi matangkad po siya.”
Inaalayan daw nila ito ng pagkain, at napansin pa raw nila na patalikod itong maglakad.
Ipinasuri si Kim Jane sa isang doctor para malaman ang kaniyang kondisyon.
Ano kaya ang sanhi ng misteryosong balat ni Kim Jane?