
Masayang ibinalita ni Andi Eigenmann na siya ay muling nagdadalang-tao.
Ngayong, February 1, ipinost ng aktres sa kaniyang Instagram Stories ang dalawang larawan kung saan makikitang ikinukumpara niya ang kaniyang katawan.
Ayon sa kaniyang post, 14 weeks and three days na niyang ipinagbubuntis ang kaniyang unang anak sa kaniyang boyfriend surfer na si Philmar Alipayo.
Sa hiwaly na post, ipinahayag ni Andi na naghahanda na sila ng kaniyang boyfriend at 7-year-old daughter na si Ellie para sa bagong yugto ng kanilang buhay.
Sulat niya, "Haven't been as active on social media for many (great) reasons - been adjusting slowly but surely to my "new life."
"The journey has been so exciting, yet scary at the same time but we have been so happy and at peace nonetheless.
"Still wouldn't have my life any other way.
"We are now on our way moving to our new island home where my growing family will make more joyful memories together.
"Our loved ones, specially Ellie and [Philmar], and I cannot wait."
Isinilang ni Andi ang kaniyang unang anak na si Ellie sa dating kasintahan na si Jake Ejercito noong November 2011.