
Kinilig sina Sugar Mercado at Ashley Ortega para sa kanilang Wowowin co-host na si Shaira Diaz matapos itong makatanggap ng bulaklak mula sa ex-boyfriend na si Edgar Allan Guzman.
Hindi malinaw kung guest ang aktor o bumisita lamang sa set ng variety game show para batiin si Shaira ngayong araw ng mga puso, February 14.
Mapapanood sa Instagram Stories nina Sugar at Ashley ang pagkikita ng dating magkasintahan kung saan sinalubong ni Edgar ng isang mahigpit na yakap ang 23-year-old actress at hinalikan pa sa pisngi.
Sulat ni Sugar sa kaniyang caption, "Sobra mga kaibigan ko, may forever."
Base sa kanyang interviews, iginiit ni Shaira na magkaibigan pa rin sila ni Edgar matapos silang maghiwalay at wala raw problema kung pagtambalin sila sa isang proyekto.