
Isa pa lang ang anak ng celebrity couple na sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano.
Three years old na ngayon ang kanilang unija hija na si Stellar. Aminado sila na sa edad na ito, talagang kailangan displinahin ang anak.
Kean Cipriano & Chynna Ortaleza, ibinahagi ang buhay no yaya
"One pa lang, nakita ko na na kailangan disiplinahin 'yung bata. Eh nagtaka ka pa kasi kombinasyon namin dalawa, nasa genes eh," biro ni Chynna.
"Ang ginagawa namin kay Stellar ngayon is nagta-time out siya. Fine-face the wall namin siya. May discipline rod kami sa bahay. Thankfully hindi pa (nagagamit)," seryoso niyang dagdag.
Naiintindihan naman daw ni Kean ang "tough love" na kailangan ibigay ng magulang sa mga anak.
"Ako kasi, lumaki ako sa dad ko na parang pinalo ako isang beses lang ever sa buhay ko. Pero nag-sorry pa sa akin 'yung daddy ko, umiiyak siya. Nabigla, kasi nilagay ko raw 'yung daliri ko sa (electrical) socket. Gets ko naman 'di ba? Pero kumbaga parang hindi na 'ko lumaki doon. Now na meron na kong sariling anak, naiintindihan ko pero at the same time naglalaban 'yung kailangan mong disiplinahin 'to," pahayag ni Kean.
Panoorin ang iba pa nilang mga opinyon tungkol sa mga isyung pang mag-asawa sa feature na ito ng Tonight With Arnold Clavio:
EXCLUSIVE: Chynna Ortaleza and Kean Cipriano find purpose in their partnership