What's Hot

Astig ang prinsesa sa Korean historical comedy series na 'My Sassy Girl'

Published March 11, 2019 6:25 PM PHT
Updated March 12, 2019 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

From DongYan to Carla Abellana, here are some 2026 celebrity predictions by a Feng Shui expert
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Makakasama buong summer ang isang sigang prinsesa sa historical romantic comedy na 'My Sassy Girl.'

Makakasama buong summer ang isang sigang prinsesa sa historical romantic comedy na My Sassy Girl.

Isang singsing na jade ang magiging tulay sa 'di inaasahang pagkakaibigan ng scholar na si Gyun Woo (Joo Won) at ng prinsesang si Hye Myung (Oh Yeon So).

Kakabalik pa lang ni Gyun Woo mula sa tatlong taong pag-aaral sa Tsina kung saan naging habulin siya ng mga babae bukod sa pagiging magaling na mag-aaral.

Pero hindi uubra ang mga porma niya sa pilyang prinsesang si Hye Myung. Aakalain kasi ni Hye Myung na ninakaw niya ang singsing nito.

Para malinaw ang 'di pagkakaintindihan, tutulungan ni Gyun Woo si Hye Myung na hanapin ang singsing kahit pa tila hindi nila mapagkasunduan kung ano ang dapat gawin.

Nang aksidenteng matangay ni Hye Myung ang talaan ng isang makapangyarihang loan shark, magiging magkaramay ang dating magkaaway para lusutan ang gusot.

Ang My Sassy Girl ang historical drama adaptation ng 2001 hit movie na may parehong pamagat. Abangan ito ngayong summer sa GMA Heart of Asia!