What's Hot

Abangan ang 'The Crown Princess' sa GMA Heart of Asia

By Bianca Geli
Published March 12, 2019 4:48 PM PHT
Updated March 14, 2019 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya surrender not admission of guilt but legal strategy, says lawyer
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Mula sa GMA Heart of Asia na nagdala sa bansa ng lakorn o Thai dramas na 'Switch' at 'Princess Hours,' isang panibagong lakorn ang dapat subaybayan, ang 'The Crown Princess.'

Mula sa GMA Heart of Asia na nagdala sa bansa ng lakorn o Thai dramas na You're My Destiny, Switch at Princess Hours, isang panibagong handog ang mapapanood ninyo, ang The Crown Princess.

Ang bigating drama ang first royal offering ng GMA Heart of Asia ngayong 2019. One year in the making ang The Crown Princess, na magpapakita ng iba't ibang magagandang location sa Germany, Switzerland, at Thailand.

Kilalanin ang Thai stars na sina Urassaya Sperbund bilang si Princess Alice at si Nadech Kugimiya bilang si Dawin Samuthyakorn, ang “NY” pair na isa sa hottest Thai love teams ngayon.

Magsisimula ang istorya ng The Crown Princess nang lihim na ipinadala sa Thailand si Princess Alice mula nang manganib ang buhay niya noong kaniyang koronasyon bilang prinsesa.

Makikilala niya si Dawin Samuthyakorn, ang Lieutenant Commander ng Thai Navy. Si Dawin ang magsisilbing tagapagtanggol ng prinsesa. Magkakaroon ang dalawa ng fake marriage dahil sa utos ng hari, upang maprotektahan si Princess Alice sa lahat ng pagkakataon.

Susubukan ng dalawa na magkaroon ng normal na buhay may-asawa kahit peke lang ang kanilang kasal, habang sinisiguro ng hari ang kaligtasan ni Princess Alice sa muling pagbabalik nito sa kanilang bansa.

Lingid sa kaalaman ng prinsesa, may paparating pang malaking problema sa kaniyang bansa at sa personal niyang buhay.

Siguradong kikiligin at matutuwa kayo sa The Crown Princess, mapapanood na ngayong Abril sa GMA Heart of Asia.