What's Hot

Jessica Soho on her trending taglines: "Nakakapressure rin."

By Bianca Geli
Published March 13, 2019 5:40 PM PHT
Updated March 15, 2019 3:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Diumano, nakaka-pressure din ang madalas na pag-trend ng #KMJS. Ayon kay Jessica Soho, “Parang kasama na tayo sa pop culture na tinatawag, so it means dapat lagi kaming updated.”

Kilala ang Kapuso Mo, Jessica Soho bilang isa sa mga haligi na programa ng GMA Network, at ang acclaimed host na si Jessica Soho ang isa sa mga respetadong news personality ng network.

Jessica Soho
Jessica Soho

Kahit na kadalasang seryoso ang mga topic ng programa, trending pa rin sa millennial netizens ang ilang taglines at catchphrases ng programa tulad ng 'i-KMJS na 'yan”, “diumano”, at “nagtungo ang aming team.”

Ano kaya ang masasabi ni KMJS host Jessica Soho sa pag-relate ng netizens sa kaniyang trending lines?

Ayon kay Jessica, “Para siyang feedback din, para siyang indicator din para sa amin na kumu-connect kami sa aming mga target audience including ang mga millennials.

“Dati kasi women and kids, e, ngayon kasama na ang millennials sa target audience.”

Dagdag niya, “Kapag binabalik sa amin 'yung mga taglines at mga hashtags, we're hitting the millennial market so positive sa amin 'yun we look forward to that.

“It means that we're connecting to our audience.”

Nakapanayan ng GMANetwork.com si Jessica matapos niya pumirma ng panibagong exclusive contract sa GMA Network nitong March 13.

A post shared by Kapuso Mo, Jessica Soho (@km_jessica_soho) on


Samantala, sinabi rin ni Jessica na may kaakibat na pressure din ang atensyon na tinatamasa ng programa para manatiling connected sa kanilang audience.

“Nakakapressure rin kasi parang kasama na tayo sa pop culture na tinatawag, so it means dapat lagi kaming updated.

“Minsan kapag may mga bagong words, for example, ini-incorporate namin sa mga script namin kasi it makes us more conscious that the audience is really watching.

“So, we have to use words na ginagamit din nila because it's a way to better connect to them, lalo na sa akin.

“'Yung staff kasi ng KMJS is very young, so sila gets nila agad but for me, napi-pressure rin ako, so I read up also, tinitignan ko 'yung mga comments para alam ko.”

'KMJS': Ang paghahanap kay Jimuel

KMJS: UFO sighting sa Negros, totoo nga ba?

'KMJS': Sino nga ba si Ed Caluag?