What's Hot

WATCH: Kilalanin si Wave, ang bagong Pinay Marvel Superhero

By Cara Emmeline Garcia
Published March 14, 2019 10:35 AM PHT
Updated March 14, 2019 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

343 Pinoys from Middle East return to PH amid turmoil
Seoul's Super Matcha opens first PH branch; plus menu and prices
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News



Filipina Marvel superhero, likha ng isang Pinoy comic book designer mula sa Cebu.

May bagong superhero na idadagdag sa Marvel comic universe, at siya ay isang Pinay!

Wave
Wave

Noong March 9, ibinahagi ng comic book writer at filmmaker na si Greg Pak ang disenyo ng pinakabagong Marvel Superhero na pinangalanang Wave.

Makikitang ginto at berde ang kulay ng suot ni Wave na may hawak pang sandata na hango sa mga gamit ng mga sinaunang Pilipino.


Ang co-creator sa paggawa ni Wave ay ang Pinoy comic book designer na si Leinil Yu na tubong Cebu.

Ayon kay Leinil, si Wave daw ay isang Cebuana na magaling sa agham at teknolohiya.

Lalabas sa unang pagkakataon ang Filipina Marvel Superhero sa May 1 sa comic book na pinamagatang War of the Realms: New Agents of Atlas.

Kilalanin si Leinil at ang inspirasyon niya sa paggawa kay Wave sa chika ni Nelson Canlas: