
Mula sa telebisyon, bibida naman si Kapuso actress Kyline Alcantara sa pelikulang Black Lipstick.
Kasama ni Kyline sa pelikula ang iba pang Kapuso stars tulad na lamang nina Manolo Pedrosa, Kate Valdez, Migo Adecer, James Teng at Angel Guardian.
Masayang ibinahagi ni Kyline na excited na siyang makatrabaho ang kanyang co-stars.
“To be honest po, hindi pa rin siya nagsi-sink in totally sa akin.
“I'm so happy na na-meet ko na po ang buong cast, buong crew ng Black Lipstick,” ani Kyline.
Iikot ang kuwento ng Black Lipstick sa karakter ni Kyline na isang dalagang walang tiwala sa sarili.
Ang gagampanang role ng Kapuso actress ay isang bullied young woman dahil sa kakaiba niyang hitsura na dulot ng isang maselang kondisyon sa balat.
“Yung Black Lipstick po ang magbibigay sa akin ng confidence” dagdag ni Kyline.
Kilalanin ang iba pang cast ng Black Lipstick sa chika ni Lhar Santiago:
Kyline Alcantara, Manolo Pedrosa, Kate Valdez, and more to star in upcoming movie “Black Lipstick”