What's Hot

WATCH: Maine Mendoza, Ashley Rivera take on #DalagangPilipina challenge

By Nherz Almo
Published March 29, 2019 1:01 PM PHT
Updated March 29, 2019 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Maine Mendoza and Ashley Rivera show their #Dalagang Pilipina look. Watch here:

Isa na namang bagong online challenge ang kinalolokohan ng mga Pinoy, at hindi nagpahuli rito ang mga aktres na sina Maine Mendoza at Ashley Rivera.

Maine Mendoza at Ashley Rivera
Maine Mendoza at Ashley Rivera

Sa video na in-upload sa Maine Mendoza fan account, makikita ang Daddy's Gurl actress na agad na pinagbigyan ang kumuha ng video nang kantahin nito ang bahagi ng “Dalagang Pilipina” ng hip-hop group na Allmo$t.

Sa pamamagitan naman ng Instagram video, ipinakita ng Bubble Gang babe na si Ashley ang kaniyang pabebe looks, na pasok na pasok sa nauusong #DalagangPilipinaChallenge.

Sabi pa niya sa caption, Proud to be a Dalagang Pilipina 🇵🇭 Mag-change image na ko guys ha? Magmula ngayon... pa-bebe na ko [smile emoji] Mahinhin, sweet, soft spoken, poised, vavae, shy type. Genen. Hihihihi [twin hearts emoji].”

Proud to be a Dalagang Pilipina 🇵🇭Mag-change image na ko guys ha? Magmula ngayon... pa-bebe na ko ☺️ Mahinhin, sweet, soft spoken, poised, vavae, shy type. Genen. Hihihihi 💕 (Shout out sa mga kups jan: wag na kayong kumontra 🙄 once a week na nga lang tong pagiging marangal ko eh. Choz) . . Thanks @outandabout.mnl for my clips! I feel so kyut! Sakto sa #DalagangPilipinaChallenge ! Thanks @heylesleyjane for my make up! 💋💄

Isang post na ibinahagi ni Ashley Rivera (@itsashleyrivera) noong

Naging viral din sa social media ang #DalagangPilipinaChallenge video ng magkakaibigang sina Kristel Fulgar, Miles Ocampo, Sharlene San Pedro.