
Ibang Kiray Celis ang mapapanood sa indie film na Portrait of My Love na mapapanood na sa mga sinehan simula bukas, April 3.
Kung dati-rati ay palaging comedy ang kaniyang role, ngayon ay nabigyan siya ng pagkakataong maipakita ang kaniyang dramatic side.
Sa blogcon ng Portrait of My Love kamakailan, sinabi ni Kiray, "Sa rom-com films ko before, hindi ako nabigyan ng chance na umarte ng seryoso but this time, ang kuwento kasi ng Portrait of My Love is tungkol sa dalawang taong nagmamahalan hanggang sa kabilang buhay.
IN PHOTOS: What happened at the blogcon of the upcoming indie film 'Portrait of My Love'
Dagdag niya, "Mas ipapakita ko dito na sincere na ako dahil hindi ko pa 'yun napapakita sa mga naging role ko."
Damang-dama raw ni Kiray ang bawat eksena niya kasama ang kaniyang katambal na si Polo Ravales.
Ani ng aktres, "No'ng nag-dubbing ako, napanood ko 'yung mga scene namin. 'Di ko alam kung may problema ko no'ng mga panahong 'yun.
"Ramdam ko 'yung iyak ko kay Polo, ramdam ko 'yung parang merong taong nawawala sa'yo na pinakamahalaga, 'yung sakit na kapag merong umaalis sa buhay mo."
Sabi pa niya, "Umiiyak ako na galing talaga sa puso, hindi ko kailangan magpatawa kasi umiiyak talaga ko."
Gaganapin ang premier night ng Portrait of My Love ngayong Martes, April 2, sa SM North EDSA Cinema 6.
Iprinodyus ito ng RJ7 Films Entertainment at idinerehe ni Poap Manansala.
Panoorin below ang trailer ng Portrait of My Love: