
Nagulat daw ang “Bida-bida Siblings” na sina Jak Roberto at Sanya Lopez nang matanggap ang kanilang Silver Play Button mula sa video sharing site na YouTube.
Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, ibinahagi ng dalawang Kapuso stars ang laking gulat nila nang makuha ang gantimpala.
Ani ni Sanya, “Hindi ko nga inaakala na aabot kami ng ganun!
“Kasi before, every time na nag-upload ako, ayun lang, no edit! What you see is what you get
“Pero ngayon, si Kuya [Jak] na yung nag-edit at umabot kami ng 100 thousand subscribers, parang 'Wow!'
Kinuwento naman ni Jak ang kanilang unang reaksyon nang makita nila ang award.
Ayon sa kaniya, “Nagulat nga kami kasi nasa more than 100K subscribers na pala kami.
“Biglang may nagdala ng silver play button. Parang gabi na nga ata nung nakita namin sa bahay.
“Tas yun nagulat kami, 'Uy! Meron tayong Silver Play Button!'
“E, nakikita namin na pino-post ng mga YouTubers yun at saka ng mga artista, di ba?
“Sabi ko, 'Post din natin kasi isang karangalan ito. Isang daang libong mahigit na yung mga subscribers natin kasi sa kaka-bida-bida mo [Sanya]'”
LOOK: 'Bida-bida Sibs' YouTube channel of Jak Roberto and Sanya Lopez receives Silver Play Button
At ano naman ang pinakapatok na video sa kanilang channel?
Sagot ng Kara Mia star, “So far, yung vlogs sa Hong Kong.
“Sa mga pinost namin, yung pinakamaraming views dun sa apat na Hong Kong vlogs is yung second day namin na inaasar ko si Sanya.
“'Tapos yung thumbnail namin yung mukhang napipikon na siya.
“Nasa 800,000 views yata na mahigit yun.”
Dahil trending ang video sa kanilang subscribers, hindi maipagkakaila na nagkaideya bigla ang nakatatandang kapatid ni Sanya.
“Ngayon, nagkaroon na ako ng idea na mas marami pang mga pranks para kay Sanya.
“Since yun yung mukhang patok kasi mukhang gusto ng tao na inaasar mo yung nakababata mong kapatid.
“E, ganun naman kami, hindi lang namin lagi nakukuhanan para sa vlog.”
Ang bagong goal naman daw ng dalawa ay makaabot ng one million YouTube subscribers ang kanilang YouTube Channel.
“Goal naman namin ay umabot kami ng 1 million subscribers. Yung Gold Play Button!” ani ni Sanya.