
Nakikulit ang Kara Mia stars na sina Jak Roberto at Paul Salas sa Kapuso ArtisTambayan kahapon, April 4.
Dito, sinagot nila ang tanong kung sino ang madalas na pinapagalitan ng kanilang direktor na si Dominic Zapata.
"Wala," mabilis na sagot ni Paul.
Dagdag ni Jak, "Wala. In fairness kay Direk Dom, mabait na tao at saka parang tropa lang."
"Hindi siya nagagalit, parang chill lang siya na direktor pero magaling."
Sa interview nina Jak at Paul pagkatapos ng Kapuso ArtisTambayan, ikinuwento nila ang karanasan nila kay Direk Dom.
"May eksena kami last time na parang lalong tumaas 'yung respect ko kay Direk," kuwento ni Jak.
"Nagkaroon ng audio problem si Mika, eh sobrang bigat noong eksena, parang si direk mismo 'yung nahihiya sa artista.
"Siya mismo 'yung nag-sorry, nag-apologize sa actor.
"Nai-imagine ko kung ako 'yung nasa ganoong sitwasyon, ganoon siya kaalaga."
Sinagot din nina Jak at Paul kung sino sa mga kasama nila sa Kara Mia ang laging tulog at ang pinakamatakaw.
Panoorin ang kanilang 'Bukingan Time' sa Kapuso ArtisTambayan:
Patuloy na panoorin ang Kara Mia, gabi-gabi, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.