What's on TV

WATCH: Derek Ramsay at Andrea Torres, kampante na sa isa't-isa

Published April 13, 2019 12:05 PM PHT
Updated June 28, 2019 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino says holidays have been 'heartbreaking': 'Kakayanin ko pa ba?'
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Kumportable na daw sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa isa't isa lalo pa at nakatakda silang magtambal sa upcoming series na 'The Better Woman.' Alamin ang detalye sa ulat ni Nelson Canlas para sa 24 oras:

Dream project daw para kay Andrea Torres ang upcoming primetime series na The Better Woman dahil makaka-pareha niya ang kaniyang iniidolo na si Derek Ramsay.

Andrea Torres at Derek Ramsay
Andrea Torres at Derek Ramsay

Derek Ramsay at Andrea Torres, magtatambal sa isang serye

"Pinangarap ko po na maging leading man siya, hindi ko alam kung paano ang mangyayari pero siyempre 'pag fan ka and [pinapanood mo 'yung mga palabas niya,] sinasabi mo rin mo na, 'ay isa 'yan sa mga goals ko, gusto ko makapareha ko din 'yan,'" bahagi ni Andrea sa panayam ng 24 Oras.

Ayon naman kay Derek, hindi raw niya inakala na magiging click kaagad sila ng aktres noong unang beses silang nagkita sa shoot ng GMA Summer Shows 2019 "Basta't Ka-Summer Kita" video.

LOOK: Derek Ramsay and Andrea Torres's photo heats up Instagram

"Nagulat ako kasi sobrang approachable n'ya, parang close na kami agad, ang daldal niya, comfortable na kami kaagad sa isa't-isa," saad niya.

Hindi raw mahirap katrabaho si Andrea dahil, aniya, nagustuhan niya ang pag-uugali nito.

"Walang ka-ere ere, she looks you in the eye when she talks to you, which I like. I'm really, really happy that we have this comfort zone with each other, we're very comfortable with one another."

Macho at manly ang image ni Derek pero sa bagong yugto ng kaniyang career, nais daw niyang patunayan na he is more than just a hunk.

At dahil ngayong Kapuso na siya, handa na raw siyang i-level up ang kaniyang game bilang all-around actor.

Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras: