What's Hot

WATCH: Susan Enriquez, nakita ang incorrupt body ni Padre Pio

By Cara Emmeline Garcia
Published April 17, 2019 10:40 AM PHT
Updated April 22, 2019 9:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs minor strombolian activity
Woman lands in jail for alleged 'salisi' modus in Cadiz
Lalaking may bukol sa mukha, naoperahan sa ilalim ng operation bukol project ng GMA Kapuso Foundation sa tulong ng UST Hospital

Article Inside Page


Showbiz News



Sa unang pagkakataon, nakita nang malapitan ni 'Unang Hirit' anchor Susan Enriquez ang incorrupt body ni Padre Pio.

Limang oras mula sa Rome, mapupuntahan ang bayan ng San Giovanni Rotondo kung saan makikita ang labi ni Padre Pio sa Santuario Di Padre Pio.

Susan Enriquez
Susan Enriquez

At sa unang pagkakataon, nakita nang malapitan ni Unang Hirit anchor Susan Enriquez ang incorrupt body ng nasabing santo.

Isa sa mga simbahang kasama sa Visita Iglesia ni @susan_enriquez ay Santuario Di Padre Pio sa Italy kung saan nakalagak ang incorrupt o hindi naagnas na labi ni St. Padre Pio. #UnangHirit

A post shared by Unang Hirit (@unanghirit) on

Ani Susan, kung ikukumpara sa relics na dumarating sa Pilipinas, mas kakaiba raw ang pakiramdam na makita nang buo ang katawan ni Padre Pio.

“Iba 'yung pakiramdam. 'Yung nasa Eastwood at Batangas, 'yung nakikita mo, bahagi lang .

“Pero ito buo eh - 'yung kabuuan. Parang alam mong nandiyan lang siya at maidudulog mo 'yung panalangin mo sa kaniya.

“I feel so blessed na naibigay ang ganitong pagkakataon na makita natin itong mismong buong katawan ni Padre Pio.”

Panoorin ang ulat ni Susan Enriquez.

WATCH: Susan Enriquez, naiyak nang makita si Pope Francis sa Vatican