What's Hot

EXCLUSIVE: Sino ang 'Bubble Gang' star na sumulat ng kanta para sa "Basta't Ka-Summer Kita" campaign?

By Aedrianne Acar
Published April 18, 2019 11:51 AM PHT
Updated April 18, 2019 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



Alam n'yo ba na ang kantang ginamit sa “Basta't Ka-Summer Kita” ay hango sa theme song ng dating youth-oriented show na Teen Gen? Kilalanin kung sino ang unang kumanta nito:

Ramdam ang summer vibe sa latest campaign ng Kapuso Network na “Basta't Ka-Summer Kita,” kung saan tampok ang ilan sa Kapuso A-list celebrities, love teams, at aabangang Kapuso shows.

Mikoy Morales
Mikoy Morales

Wala nang dugo yung kaliwang kamay ko. 📷: @chariz_solomon · · · #FujifilmXT100 #FujifilmPHxMikoy #FujifilmPHLifestyle

A post shared by Mikoy Morales (@mikoymorales) on

READ: Netizens react to GMA Summer Shows 2019 "Basta't Ka-Summer Kita" video

Maraming hindi nakakaalam na ang masayang summer campaign single ay sinulat mismo ng Bubble Gang comedian na si Mikoy Morales.

Eksklusibong ikinuwento ng Kapuso actor-singer sa GMANetwork.com na unang ginamit ang kaniyang kantang “Everything's Alright” sa dating youth-oriented show na Teen Gen.

Ani Mikoy, “Seven years ago, ginamit siya sa Teen Gen, a youth-oriented show, 'tapos si Julie Anne San Jose ang kumanta.”

Dagdag niya, “Nakakatuwa na nagagamit pa rin siya years after.”