What's Hot

WATCH: Dingdong Dantes more motivated now that he's a father of two

By Cara Emmeline Garcia
Published April 23, 2019 10:52 AM PHT
Updated April 23, 2019 11:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Para sa Kapuso actor, mas naging determinado na raw siya sa buhay ngayong lumalaki na ang kaniyang pamilya.

Umapaw ang kagwapuhan ni baby Jose Sixto Dantes IV sa social media na ani ng ilan ay kamukha ni Marian Rivera habang ang iba nagsasabing kamukha ito ng kanyang ama na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Pero sabi ni Dingdong, “Ako? Sino ba? Di ko talaga masabi, nag-iiba araw-araw eh.”

Noon, nangarap kaming magkaroon ng supling at binigyan Niya kami ng isa. Makalipas ang tatlong taon, humingi kami at ibinigay Niya. Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya't naguumapaw ang aking puso sa biyayang ito. Akala ko hindi ko kakayanin, ngunit, nakaraos ako dahil sa supporta ng mga nagmamahal sa pamilya namin, lalung-lalo na dahil sa mga dasal niyong lahat. Maraming salamat. Ngayong nabuhay na ulit si Hesus, muling ipinapaalala ng araw na ito na lahat tayo ay biyaya ng Diyos sa isa't-isa. Happy Easter. Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko Ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito dahil sila-- si Dong, si Letizia at si Sixto-- sila ang aking buhay. 🙏🏻❤️ (Photo taken when he was 2 days old) #JoseSixto #Six #Ziggy

Isang post na ibinahagi ni Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) noong

Para sa Kapuso actor, mas naging determinado na raw siya sa buhay ngayong lumalaki na ang kaniyang pamilya.

Aniya, “Pangarap talaga siya at pinagdasal talaga namin.

“One thing is for sure - it doesn't get easier.

“In terms of building a family, lahat ng ginagawa ko at ang gagawin ko ay talagang para sa kanila ito.

“Kaya mas motivated ako, mas determined, at mas masaya.”

LOOK: Jose Sixto Dantes IV is an answered prayer according to Marian Rivera

Sa katunayan, may bagong hamon siyang haharapin dahil inanunsyo kahapon ang kaniyang pagganap bilang si “Big Boss” sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun.

Isa ang bagong serye sa mga proyekto ng Primetime King ngayong taon sa Kapuso network na nagsilbing tahanan na niya sa mahigit dalawang dekada.

Lalu pa itong pinagtibay ni Dingdong nang pirmahan niya ang kaniyang bagong kontrata sa GMA kasama ang ilang GMA executives tulad na lamang nina Chairman and CEO Felipe Gozon, President and COO Gilberto Duavit Jr. at SVP for Entertainment Group Lilybeth Rasonable kahapon.

Panuorin ang buong chika ni Nelson Canlas:

Dingdong Dantes is still a Kapuso after 21 years