
"Halika na, uwi ka na, mahal pa kita. Pagbabalik mo ang kailangan ko, wala ng iba."
Iyan ang maririnig sa bagong kanta ng miyembro ng Ex Battalion na si King Badger, o Jon Gutierrez sa totoong buhay, na “Walang Gana.”
Sa music video ng kanta, makikita rito ang mga masasayang tagpo sa buhay nina Jon at ng kaniyang asawa na si Jelai Andres.
Kinasal sina Jon at Jelai noong Oktobre 2018. Ngunit nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon nang sabihin ni Jelai na hihiwalayan na niya si Jon.
Sinabi rin niya na may 'third party' ang dahilan kaya sila maghihiwalay.
Ex Battalion's Jon Gutierrez admits fault in marital problem: "I made a mistake."
READ: Aiai Delas Alas breaks silence over Ex Battalion member Jon Gutierrez's scandal