What's Hot

Aiai Delas Alas, pangarap mag-a la Blackpink ang anak na si Sophia

By Bianca Geli
Published May 2, 2019 2:02 PM PHT
Updated May 2, 2019 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paolo Contis, aminadong marami siyang nagawang pagkakamali sa buhay
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Pangarap daw ni Aiai delas Alas para sa anak niyang na si si Sophia na maging mala-Korean girl group member ito. Alamin sa article na ito kung bakit.

Pangarap daw ni Aiai delas Alas para sa anak niyang na si si Sophia na maging mala-Korean girl group member ito.

Aiai Delas Alas
Aiai Delas Alas

Aniya, “Sabi ko nga sa kaniya, 'Anak, and dream ko para sa'yo, parang Blackpink ka. Singing and dance, tapos may abs ka. Gusto ko ganun ka,” kuwento ni Aiai sa ginanap na solo presscon para sa kanya para sa pelikulang Sons of Nanay Sabel.

Patuloy na kuwento ni Aiai, ang sagot daw ng anaka ay: "'Mommy, hindi naman ako masyado marunong kumanta, at parang matanda na ako, 23 na ako.' " Sabi naman ni Aiai sa anak, "Twenty-four ako nag-start [sa industriya] kaya may isang taon ka pa."

Kahit walang workshop o formal training, kita niya raw ang natural na talento ni Sophia na makakasama niya sa upcoming movie na Feelenials.

“Marunong siyang umarte talaga eh siguro nasa dugo. Na-eenjoy niya 'yung sweldo, dun siya natutuwa. Gusto niya rin 'yung [acting] pati sumayaw,” saad ni Aiai.

Kasalukuyang nag-aaral pa raw si Sophia sakolehiyo at nais raw niyang makapagtapos muna ang anak bago ito mag-full time sa showbiz. “Lahat naman ng mga anak ko gusto ko makatapos muna sa pag-aaaral bago mag-artista.”

Abangan si Comedy Queen Aiai delas Alas bilang Sabel, kasama ang Ex Battallion sa Sons of Nanay Sabel, under Viva Films, showing na ngayong May 8.