
Mas gumaan ang nararamdamang dalamhati ng pamilya ng multi-awarded Kapuso news anchor at documentary filmmaker Kara David na dumadaan ngayon sa matinding pagsubok.
Nito lamang May 7, pumanaw ang kanyang ina na si former Civil Service Commission chairperson Karina Constantino David sa edad na 73.
LOOK: Kara David says goodbye to mom Karina
Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay mula sa mga katrabaho ni Kara sa GMA News at Public Affairs. Ilan sa nagpaabot ng suporta sa pamilya David ay sina Mariz Umali, Sandra Aguinaldo, Nelson Canlas at Atom Araullo.
Sa kaniyang Instagram post ngayong araw, taos-puso ang pasasalamat ni Kara David sa lahat ng nakikidalamhati.
Saad niya, “Salamat po sa inyong pakikidalamhati. Salamat po sa inyong pagmamahal sa aming minamahal na Karina ️”