What's on TV

Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo, magsasama sa bagong Kapuso afternoon drama

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 17, 2019 7:10 PM PHT
Updated August 14, 2019 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya transported to Cebu, brought to court
Sarah Discaya arrives in Cebu; up for detention in Lapu-Lapu City jail
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News



First time magsasama-sama ng tatlo sa homegrown actress ng GMA na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo sa pinakabagong serye na mapapanood sa GMA Afternoon Prime.

First time magsasama-sama ng tatlo sa homegrown actress ng GMA na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo sa pinakabagong serye na mapapanood sa GMA Afternoon Prime.

Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo
Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo

Gaganap ang mga batang aktres bilang triplets. Si Jillian Ward ay si Donna Marie, ang panganay sa tatlo. Matiyaga at matulungin bilang ate, si Donna Marie ang inaasahan ng kanilang ina na tumulong sa pag-aalaga ng kanyang mga kapatid. .

Si Althea naman ang gaganap bilang si Donna Belle, ang ambisyosa at feeling prinsesa sa triplets. Gagawin ni Donna Belle ang lahat para lang makatulong sa pamilya, kahit na mali ito.

Bibigyang-buhay naman ni Sofia ang bunso sa triplets na si Donna Lyn. Mahina at sakitin siya pero kaya niyang ipagtanggol ang kanyang mga kapatid.

Makakasama rin nina Jillian, Althea at Sofia ang mga de kalibreng artista tulad nina Katrina Halili, Wendell Ramos, Chanda Romero, at Benjie Paras.

Kaya huwag palalampasin ang isa na namang obra na hatid ng GMA Network. Abangan sina Jillian, Althea at Sofia, malapit na sa GMA Afternoon Prime.