What's Hot

Mark and Jennylyn together again in 'Dear Friend'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 26, 2020 9:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Mark Herras and Jennylyn Mercado find themselves back together on-screen with Dear Friend.
Malaki ang napansin ni Mark Herras na pagbabago sa ka-love team at dating kaisntahan na si Jennylyn Mercado pagdating sa pag-arte sa muling pagtatambal nila sa two-part special episode ng Dear Friend. Ayon kay Mark, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Dear Friend sa Heritage Park kahapon, Miyerkules (October 29), mas mature na ang approach ni Jennylyn pagdating sa pag-arte. Mas lalo raw gumaling si Jen sa pag-arte nito ngayon dahil nakatulong daw ang mga nangyari sa buhay nito kamakailan. "Napansin ko nga na mas malalim na ngayon ang pag-arte ni Jen. Kapag may eksena kaming iyakan, mabilis na siyang makaluha. Hindi na siya nahihirapan. As always, mas magaling pa rin si Jen umarte kesa sa akin!" pagbiro ni Mark. Dagdag ng young actor, "Mapapanood nila sa Dear Friend ang pagbabago ni Jen at maipagmamalaki ko nga na ako ang unang nakasama niya sa pagbabalik niya sa pag-arte sa TV." MATURED MARK AND JEN. Hindi na raw mahirap na pagawan ng mga mabibigat sila Mark at Jennylyn. Mas nakatutok na raw sila sa trabaho nila dahil wala na raw silang kaugnayan ngayon. starsKung noon daw na may relasyon sina Mark at Jen ay hirap ang mga tao sa paligid nila na ayusin sila sa taping or shooting dahil nananaig ang mga emosyon nila, lalo na kapag may lover's quarrel sila noon. "Mas nakakaarte na kami ng tama ngayon!" tawa ni Mark. "Noon kasi, kapag may tampuhan kami, hindi kami mapaarte ng maayos. Nag-aaway kami, kaya may isang ayaw magtrabaho ng tama ‘tapos may isa pang nang-aasar. Malaki ang problema ng staff sa amin kasi mga bata pa kami noon kaya ang hirap naming sumunod. Pasaway talaga kami ni Jen noon kapag nag-aaway kami. Pati trabaho namin, apektado. "Ngayon, tapos na 'yon dahil nag-mature na kami ni Jen. 'Tsaka may kanya-kanya na kaming buhay ngayon. Kaya yung makatrabaho na lang namin ang isa't isa ay malaking bagay na for us." NINONG MARK. Sa naging taping nga nila sa Heritage Park, maayos ang naging mga eksena nila Mark at Jennylyn at gusto nga nilang kiligin muli ang kanilang mga tagahanga. "Ayaw naming bitinin pa ang fans namin kaya mapapanood na nila kami ngayong Sunday at sa susunod pang Sunday sa Dear Friend. "Alam namin na matagal nila kaming hinintay na magkasama ulit kaya isang magandang istorya ang hinanda ng GMA-7 sa Dear Friend na para sa amin ni Jen." Kinumpirma ni Mark na isa siya sa mga ninong ng baby ni Jennylyn na si Alex Jazz. Buntis pa lang daw si Jen ay nag-volunteer na si Mark na maging ninong na hindi naman tinanggihan ni Jen. JEN, BACK TO WORK. Marami naman ang nagugulat sa katawan ni Jennylyn. Para raw hindi nabuntis at nanganak ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor dahil payat at sexy ito noong mag-taping ng two-part episode para sa programang Dear Friend, kung saan makakatambal niya muli si Mark Herras. Hindi naman kataka-takang bumalik ang dating katawan ni Jennylyn dahil bukod sa nagte-taping ulit siya, nagbalik-shooting siya para sa pelikulang One Night Only para sa Metro Manila Film Festival. Binibiro nga ulit si Jennylyn kay Mark dahil muli silang nakitang magkasama sa isang show. Masaya si Jen dahil sa suportang ipinapakita ni Mark parati sa kanya. "Isa naman talaga si Mark na nagpakita ng genuine concern sa akin noong kasalukuyang may mga dinadaanan akong mga problema. Kabilang si Mark sa mga tunay na kaibigan ko na lagi akong kinukumusta. "Pero minsan nga, nabibigyan ng maling akala ang mga ginagawang 'yon ni Mark. Nakakaawa nga siya kasi gumagawa na nga siya ng kabutihan, nalalagyan pa ng malisya. Pero bilib ako kay Mark, kasi hindi siya nagpaapekto. Nandiyan pa rin siya at handang tumulong." LIKE HER DAD. Nakita na raw ni Mark ang hitsura ng baby ni Jen na si Alex Jazz at ayon nga kay Mark ay guwapo raw ito. "Aksidenteng nakita niya ang baby ko," ngiti ni Jen. "Natutuwa naman ako dahil maraming nagaguwapuhan sa baby ko. Makikita naman nilang lahat ang mga kuha ni Jazz sa ilalabas kong coffee table book. Malapit na ‘yan kaya abangan nila." Sa tanong kung sino ang kamukha, mabilis na sagot ni Jen ay ang kanyang biological father. "Singkit na mukhang Koreano ang biological father ko. Ganoon ang hitsura ni Jazz ngayon. Kapag ngumiti, singkit na singkit ang mga mata. Nakuha niya ang mukha ng daddy ko." BREASTFEEDING HELPS. Isang dahilan daw kung bakit biglang pumayat si Jennylyn ay dahil sa pagpapa-breast feed niya kay Baby Jazz. One month and a half din daw siyang nagpadede sa kanyang sanggol. "Kailangan kong gawin para na rin sa health ng baby ko. Mahirap pala noong una pero noong magtagal, okey na at nasanay na ako. Sabi kasi sa akin nakakabawas daw ng timbang ang magpa-breastfeed ng baby. Totoo nga, kaya mabilis akong pumayat. Tapos sinabayan ko ng diet, kaya mabilis ako nakabawas ng timbang. Kaya payo ko 'yon sa mga young mothers na gustong bumalik sa dati ang katawan nila." STILL ADJUSTING. Aminado si Jennylyn na natataranta pa rin daw siya pagiging ina. Hindi pa raw siya fully adjusted sa kanyang bagong role sa buhay. "Naguguluhan pa rin ako kasi!" malakas na tawa ni Jen. "Natataranta ako kapag umiiyak na si Jazz. Kasi ang baby kapag umiyak it's either gutom siya, naiinitan or inaantok. Pero kapag nagawa mo naman na lahat at umiiyak pa rin siya, doon ako natataranta. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak kaya minsan nagpapa-panic ako! "Mabuti na lang at nandiyan si Mommy [Lydia Mercado] kaya natutulungan niya ako. Siya ang nagga-guide sa akin sa pag-alaga sa baby ko. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Mommy talaga. Ngayon ko na-appreciate ang mga ginawa ni Mommy sa akin noong bata ako. Mahirap na masarap ang maging mother." SOON IN OBRA. Tuluy-tuloy na nga ang pagbabalik ni Jennylyn. Balita ngang gagawa rin ng sariling Obra series si Jen para sa GMA-7 ngayong Disyembre. "Marami namang naka-lineup lalo na this coming December kasi nga may MMFF movie ako. Iniisa-isa muna namin lahat. Ayoko namang mabigla. Inaasikaso ko rin ang magiging binyag ni Baby Jazz kaya patung-patong ang mga gagawin ko. "Pero happy ako kasi tuluy-tuloy na lahat. Hindi ko inaasahan na ganito ang kalalabasan sa pagbalik ko. I'm just happy na nandiyan pa rin ang mga fans na willing maghintay sa pagbalik ko at sa pagtambal namin ulit ni Mark. "Kaya this coming Sunday, huwag nilang kalimutan ang Dear Friend. ‘Tapos next Sunday ulit, yung part two ng Dear Friend namin ni Mark. Matutuwa sila dahil natupad na rin ang muling pagtatambal naming dalawa." -- PEP (Philippine Entertainment Portal)