What's Hot

WATCH: #BiDawn love team tampok sa Kapuso ArtisTambayan

By Cara Emmeline Garcia
Published May 24, 2019 10:32 AM PHT
Updated May 24, 2019 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Nag-enjoy ang mga bida ng pelikulang Family History na sina Michael V at Dawn Zulueta sa Kapuso ArtisTambayan noong Martes, May 21. Panoorin 'yan dito:

Nag-enjoy ang mga bida ng pelikulang Family History na sina Michael V at Dawn Zulueta sa Kapuso ArtisTambayan noong Martes, May 21.

Dawn Zulueta and Michael V.
Dawn Zulueta at Michael V

Maliban sa kuwentuhan, nakipagkulitan rin ang dalawang aktor sa mga netizens na nagpadala ng kani-kaniyang tanong para sagutin ng comedy genius.

Kitang-kita ng mga netizens ang off-screen tandem nina Bitoy at Dawn na binansagan nilang “#BiDawn” love team.

Pahayag ni Bitoy, “Napaka-flattering at napaka-humbling na experience na maka-love team si Miss Dawn.”

Dagdag pa ng kaniyang co-star, “Aba talagang makiki-love team kami! Bakit hindi pwede?”

Magtatambal ang dalawa sa Family History na written, directed, produced, at pagbibidahan din ni Michael V.

Kahit lumabas na ang teaser trailer ng nasabing pelikula ayaw pa rin i-reveal ng dalawang bida ang detalye tungkol sa movie.

Ayon ng comedy genius, “Maraming twists and turns itong pelikula na mas ma-e-enjoy ninyo 'pag pinanood niyo kung wala kayong alam tungkol sa movie.”

Ang Family History ay ang unang proyekto ng GMA Pictures at MicTest Entertainment na kumpaya nina Michael V at ang misis nitong si Carol Bunagan.

Panoorin ang buong chika ni Aubrey Carampel:

Family History - Teaser Trailer [HD]

WATCH: First online teaser of BIDAwn's movie 'Family History'