
Tuwing Mayo, naging parte na ng tradisyon ng Pilipino ang Santacruzan.
Sa kanilang angking ganda, pati ilan sa ating mga paboritong Kapuso actress ay minsan na ring pumarada sa ilang Santacruzan.
Isa na diyan si Kapuso teen actress Klea Pineda na nakilahok sa Santacruzan ng San Rafael, Bulacan.
Ayon kay Klea, kinukuha niya ang oportunidad para makilala at matutunan ang kultura ng isang lugar kapag sumasali siya sa nasabing tradisyon.
Aniya, “It's fun kasi maraming tao.
“At saka happy rin ako kasi mas nakaka-bonding ko rin 'yung mga Kapuso natin.
“And meron din akong partner na resident dun so nalalaman ko 'yung ginagawa nila dun at 'yung culture nila dun.”
Panoorin sa buong ulat ni Luane Dy:
LOOK: Kapuso stars, nakisaya sa Santacruzan at Flores de Mayo 2019