
Bago pa man magsimula ang afternoon series na Dahil Sa Pag-ibig, alam na raw ni Kapuso actress Sanya Lopez na marami-rami siyang intimate scenes kasama ang kaniyang male co-stars.
Inamin ni Sanya na wala naman problema para sa kaniya ang gawin ito ngunit inaasahan na niyang magre-react ang kaniyang kuya, ang Kara Mia actor na si Jak Roberto.
Aniya, “Sa ngayon, hindi pa kasi wala pa siyang [Jak] napapanood dahil wala pa kami sa mga ganoong eksena.
“Pero feeling ko siya ang unang-una magre-react sa akin 'pag nakita niya 'yun.
“Sinasabi nga niya sa akin dati, 'Huy! Bakit ganyan 'yung mga suot mo at bakit ganun 'yung ginawa mo?'
“Usually, ganun naman 'yung mga kapatid.”
Sa afternoon prime series, malaking hamon sa karakter ni Sanya na pagdesisyunan ang pagsuko ng kaniyang dangal para sagipin ang buhay ng kaniyang minamahal.
“Ito na 'yung kung kaya niya bang ibigay ang kaniyang dangal alang-alang sa kaniyang minamahal.
“Sabi nga, 'Mababayaran ba ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali?'”
Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago: