What's Hot

WATCH: Megan Young, balik-taping na para sa bagong serye

By Cara Emmeline Garcia
Published May 29, 2019 11:15 AM PHT
Updated May 29, 2019 11:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Sabik na raw si Megan Young na makasama ang mga kapwa Kapuso actors, na makakatrabaho niya sa unang pagkakataon sa upcoming series ng GMA Network.

Pagkatapos ng afternoon serye na Stepdaughters, walong buwang hindi gumawa ng soap si Kapuso actress and former Miss World Megan Young.

Megan Young
Megan Young

Dahil sa walong buwan na 'yon, naging abala siya sa pagbiyahe sa iba't ibang parte ng mundo kasama ang kaniyang boyfriend na si Mikael Daez.

Ngayon, balik-taping na si Megan para sa bagong series na pagbibidahan nina Kris Bernal, Rayver Cruz, at Kim Domingo.

Ayon sa aktres, kakaibang genre ang mapapanood ng fans sa telebisyon na dapat daw antabayanan.

“Ngayon, parang thriller-horror 'yung theme ng show kaya exciting siya.

“Nakakatakot 'di dahil sa genre, siguro dahil it's something new for audiences to watch.”

Maliban sa genre, isa pang kinasasabikan ni Megan ay ang unang pagkakataon pakikipagtrabaho niya sa kanyang co-stars.

“Nag-workshop kami nung isang araw, so I feel like the chemistry is there. We just have to work on it.

“Mangyayari lang 'yun kapag nagsimula na kami ng taping.”

Panoorin sa chika ni Lhar Santiago:

WATCH: Kris Bernal at Rayver Cruz, magkakasama muli sa bagong suspense-thriller Kapuso series