What's Hot

New love team partner for Sheena?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Bagong papel, bagong itsura—e ano pang bago sa pagganap ni Sheena Halili bilang Vicky? Is a new love team in the works?
Bagong papel, bagong itsura—e ano pang bago sa pagganap ni Sheena Halili bilang Vicky? Could a new love team partner be in the works? Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. Sa press conference ng LaLola unang ipinakita ang bagong style ni Sheena Halili bilang Vicky. Mula sa mga fashionable na damit hanggang sa bagong gupit, kakaiba na namang Sheena ang matutunghayan ng mga viewers ng LaLola! stars"Dito sa show na ito, kailangan." Ayon kay Sheena, pagkatapos niyang gumanap bilang Monica (sa MariMar) at Cynthia (sa Ako si Kim Samsoon), kinailangan na naman niyang baguhin ang kanyang itsura para maiba rin ang tingin ng mga tao sa kanya. Just so she doesn't get typecast as an actress with one look. As Vicky, ang kailangan namang i-project ni Sheena ngayon ay ang pagiging pareho sa kanyang idolo at kaibigan: si Sabrina Star (na ginagampanan ni Angelika dela Cruz). "Yung buhok ko tsaka buhok ni Angelika, pareho—ngayon naka-bangs kaming parehas." Pero hindi nagtatapos sa hairstyle ang gagayahin ni Vicky, pati ang pananamit din nis Sabrina—to a certain point. "May mga times na dapat pareho kami; hindi naman parehong-pareho, parang nagkakalapit—ganun lang." Dahil hindi dagdag ang character niya, nag-research din si Sheena tungkol kay Vicky. "Sinearch ko siya online. Pero mahirap eh." Inamin niya na medyo may kahirapan intindihin ang mga nakuha niyang information tungkol sa LaLola. At sa mga nahanap niyang videos online, "walang may subtitle! Parang—saan ba si Vicky dito? Madami kasi sila eh." Isa sa mga nagpahirap sa kanyang online search ay ang fact na hindi ang Pilipinas ang unang nag-remake sa LaLola. Bukod sa original na nanggaling sa Argentina, meron na ring lumabas mula sa Spain at Greece. "Yung sa Argentina, merong Vicky. "Sinearch ko 'yung name niya, tiningnan ko lang kung ano 'yung itsura niya." Sa napag-alaman ni Sheena, mas matanda sa kanya 'yung original Vicky. "Parang mommy na siya—or pwede na siyang maging mommy." starsAt dahil iniba na ang kanyang character mula sa original, naiba rin ang kanyang kapareha. "Hindi ko alam na si Jay R ang ka-love team ko dito," saad ni Sheena. Si Jay R ang gumaganap sa character ni Pato, ang matalik na kaibigan ang kasangga ni Gaston, na ginagampanan ni Marvin Agustin . Sa original na series, si Gaston ang nakapareha ni Vicky; 'di tulad sa Filipino version na kay Pato mapupunta si Vicky. Sabi Sheena, "Parang magiging jowa yata [ni Pato] si Angelika, or magkakagusto siya kay Angelika—e 'di ba nga, idol na idol ko si Angelika dito, na gusto ko lahat ng meron siya, meron din ako. Siguro doon papasok yun na aakit-akitin ko na." Paano mangyayari ang pagkakapareha kina Vicky at Pato? Sundan lang lagi ang LaLola sa GMA Telebabad pagkatapos ng Gagambino ni Carlo J. Caparas. Marami ka pang malalaman tungkol kay Vicky mula kay Sheena! I-text lang ang SHEENA sa iyong cellphone, at ipadal sa 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusively for the Philippines only.)